Awit Ng Kawal
Home » About » Awit Ng Kawal

Ako ay kawal ng aking bayan

Giting ay tinataglay

Sa oras na ako’y kailangan

Nakahandang ihadlang ang buhay

Tapang namin ay napatunayan

Sa gubat at larangan

Luzon, Mindanao at Bisayas man

Bataan, Koreya at Biyetnam

REFRAIN

Buong loob na lumulusob

Kalasag ng matatag na Republika

Punglo’t pawis ay di alintana

Sa kasama’y laking tiwala

Tatag ng kawal ay lakas ng bansa

Kaya palaging maghanda

Sa katunggali’y makikibaka

Pagka’t mahal namin ang bandila